DeLima Naki-Jam sa Bilibid

deLIEma

Sino itong kumu-Careless Whisper na bagong halal na senadora, na pilit tinatanggi na may kinalaman siya sa kalakaran ng droga sa loob ng Bilibid? Chance lang daw kapag may itinuturong “guilty na eksena” kung saan kasama siya. Eh eto kayang video na ito, chance pa rin? Bigay na bigay ang senadora sa pag kanta oh.

Ang tanong, saan ito kuha? At sino ang tumutugtog na bumaback-up sa kanya? Hmmmm… nabalitaan niyo na si JB Sebastian at ang banda niya sa Munti di ba? Gets niyo na #DeLIEma

Watch niyo video dito

 

ABS-CBN Biased Pa Rin – Part 3

image

Mainit na usap-usapan ngayon na ang Channel 2 (ABS-CBN) daw ang pinakamalaking kinita sa ads ng pulitiko.

Apparently, Channel 2 ang pinakamadaming binayaran na commissioned surveys. At pag malaki ka gumastos sa ad spot sa channel 2, gagalaw ka sa surveys.

Galing ng raket ano?

Oops… Meron pa!

image

Pero may order daw galing kay Gabby Lopez na panalunin ang gusto nya at siraan ang ayaw nya.

Channel 2 – pinaka gago sa panloloko ng Pamilyang Pilipino.

Truly In the service of the PILING Pilipino!!!

#aBIAScbn

ABS-CBN Biased Pa Rin – Part 2

kill

Patuloy pa rin sa pagbibigay ng biased reports ang #aBIAScbn.

Tignan niyo na lang ang headline. Talagang “Kill them” Duterte na ang tawag?

At tignan nyo pa intro nila ng balita… “Mass murder advocate” ang description kay Digong. Kapag binasa mo buong article, isa na naman demolition tactic ang nilahad nila online.

kill2.jpg

Kinumpara pa si Duterte at sinabing mas malala pa kay Trump. Ayos talaga ang Dos… NOT!

kill3.jpg

Trillanes Inilahad ang P211-M ni Duterte

Laman din ng mga dyaryo ngayon ang pagbubulgar ni Senator Antonio Trillanes tungkol sa secret bank account ni Mayor Rodrigo Duterte na naghahalaga umano ng P211-Million pesos.

Ayon sa exposé ni Trillanes, may joint account daw sila Rodrigo Roa Duterte at ang anak nitong si Sara Z Duterte sa Bank of Philippine Islands branch sa Julia Vargas. Pero sino ang source ni Trillanes? At gaano ka-reliable ang information niya?

end bank secretsNalimutan ba ni Trillanes na si Duterte at ang running mate nitong si Cayetano ay pumirma ng manifesto noong March 11, 2016 sa Los Baños, Laguna kung saan ini-encourage nila ang mga kandidato na buksan ang kanilang bank accounts “in the interest of transparency and accountability.”

Ang haka-haka ngayon ay nabayaran na itong si Senador para tuluyan nang sirain ang reputasyon ni Mayor at para di na iboto nang publiko.

Pero sino ba itong si Trillanes? Ano ba track record niya?

Usap-usapan ngayon sa social media na si Senador na ang “paid attack dog” basta tama ang bayaran. Isang kasamahan ni Trillanes ang nag-pahayag na witness siya nang binayaran si Senador nang isang babaeng congresswoman matapos silang mag coup attempt. Kung paniniwalaan itong dating kasamahan ni Trillanes, eh di nga malayong may nagkabayaran na naman.

Eto naman ang fact check ni Erwin Tulfo tungkol sa issue…

tulfo bpi

 

 

ABS-CBN Biased Pa Rin – Part 1

Marami ni rin nakakakita ng BIAS ng ABS-CBN sa paghatid ng istasyon ng mga balita. Kamakailan lang, punong-puno ang social media ng posts tungkol sa kanilang unfair reporting kung saan halatang-halata kung sino ang mga manok nila ngayong halalan.

Kung naaalala niyo pa, na-hack kamakailan lang ang DZMM radio station ng ABS-CBN bilang parusa sa kanilang pagsisinungaling at “false propaganda.” Nagbabala pa ang mga hackers na patuloy silang mag-oobserba sa mga nirereport ng istasyon pero sadyang baliwala lang ito dahil tuloy pa rin ang mga kasinungalingan nila.

Isang example ay ang pagsisi sa “kalaban” nilang kandidato para sa pagka-presidente nung nag-report silang bumaba ang stocks dahil sa kanya. Ang “nalimutan” nilang sabihin ay bumaba naman pala ang stocks world wide.

13124747_10209898326279004_392331225197724521_n

Haaaay… aBIAScbEND!

Eto ang ilan sa mga posts na nabasa ng Hokage…

stocks ABIAS

abias

 

Iglesia Ni Cristo Reveals Candidates

Opisyal nang dineklara ng Iglesia Ni Cristo (INC) na susuportahan nila ang kandidatura ni Mayor Rodrigo Duterte at Senator Bongbong Marcos bilang Presidente at Bise Presidente sa darating na halalan sa Mayo 9.

Kasama sa mga ini-endorso nila ay ang partylist na Kabayaan at ang 12 kandidato sa pagka-senador:

43 Martin Romualdez

49 Joel Tesdaman Villanueva

18 Dick Gordon

17 Win Gatchalian

29 Risa Hontiveros

47 Francis Tolentino

16 Frank Drilon

46 Vicente Sotto

42 Ralph Recto

25 Panfilo Ping Lacson

50 Migs Zubiri

36 Manny Pacquiao

Ayon sa reports, pinili ng INC’s Executive Minister Eduardo Manalo si Duterte sa 5 presidential bets dahil sa popularidad ng mayor at dahil parati itong nangunguna sa surveys. Nakapag desisyon na daw si Manalo bago pa man bumisita si Presidente Benigno Aquino III sa INC’s main office noong Mayo 2.

Pinakahihintay ang paglabas ng endorsement ng INC dahil kilala ang grupo sa bloc voting tuwing eleksyon. Ini-estima na 1.7 million voters ay miyembro ng INC.

INC ballot

Chmf_CbVAAASIyP

 

Saan Galing Campaign Funds ni De Lima

Gustong maniguro ng grupong Laban ng Bansa Tungo sa Malinis na Pamahalaan o Laban na malinis ang perang gamit ni dating Justice Secretary Leila De Lima sa pagtakbo niya ngayon sa senado.

Naging issue kasi kamakailan lang na nakatanggap si De Lima ng mga pondo mula sa P10-B PDAF scam queen na si Janet Lim Napoles. Nataon pang napayagan si Napoles na makapagbayad ng bail kaya’t nakalabas ito ng kulungan.

Naungkat din ang issue na nakatanggap siya ng pera mula sa mga drug lords sa Bilibid dahil matapos magsagawa ang DOJ ng raids sa kulungan, talamak pa rin ang droga sa Bilibid.

Heto pa ang mga istorya sa dyaryo tungkol dito…

13112448_1118834368148176_1835865488_o13112495_1118834461481500_128277306_o13112701_1118834391481507_478748112_o

 

Sino Financier ni De Lima?

Isang pro-transparency group ang nanawagan kay dating Justice Secretary Leila De Lima na ibulgar niya sa publiko kung sino sumagot sa pagkampanya niya bilang Senador ngayong eleksyon.

Ayon kay Joyce Doromal, Secretary General ng Laban ng Bayan Tungo sa Malinis na Pamahalaan o Laban, “dapat patunayan ni De Lima na hindi siya kailanman tumanggap” ng pera mula sa Priority Development Allocation Fund (PDAF) scam queen na si Janet Lim-Napoles.

Isang issue pa tungkol sa funds ni De Lima ay galling din daw ito sa mga drug lords sa New Bilibid Prison

Read more tungkol sa issue na inilabas ng mga local newspapers…

13120800_1118833848148228_1723942208_o13120919_1118834411481505_1210052680_o13161495_1118834378148175_559995595_o13170673_1118834288148184_1262249949_o