Iglesia Ni Cristo Reveals Candidates

Opisyal nang dineklara ng Iglesia Ni Cristo (INC) na susuportahan nila ang kandidatura ni Mayor Rodrigo Duterte at Senator Bongbong Marcos bilang Presidente at Bise Presidente sa darating na halalan sa Mayo 9.

Kasama sa mga ini-endorso nila ay ang partylist na Kabayaan at ang 12 kandidato sa pagka-senador:

43 Martin Romualdez

49 Joel Tesdaman Villanueva

18 Dick Gordon

17 Win Gatchalian

29 Risa Hontiveros

47 Francis Tolentino

16 Frank Drilon

46 Vicente Sotto

42 Ralph Recto

25 Panfilo Ping Lacson

50 Migs Zubiri

36 Manny Pacquiao

Ayon sa reports, pinili ng INC’s Executive Minister Eduardo Manalo si Duterte sa 5 presidential bets dahil sa popularidad ng mayor at dahil parati itong nangunguna sa surveys. Nakapag desisyon na daw si Manalo bago pa man bumisita si Presidente Benigno Aquino III sa INC’s main office noong Mayo 2.

Pinakahihintay ang paglabas ng endorsement ng INC dahil kilala ang grupo sa bloc voting tuwing eleksyon. Ini-estima na 1.7 million voters ay miyembro ng INC.

INC ballot

Chmf_CbVAAASIyP