Natatandaan niyo pa ba nung naging hot issue yung lifestyle ng mga rich criminals sa Bilibid prison? Di ba’t marami ang nahulihan pa ng mga armas at kung ano-ano pang kontrabando? Na-interview din ang isang kilalang aktor na nakulong sa Muntinlupa at siya ang nagpatunay na tuloy ang luho at sarap buhay ng mga kayang bumayad kahit nakakulong na sila.
Nang pumutok ang balita, pakitang gilas naman si Justice Secretary Leila Delima at nagsagawa ng mga raids. Ngayon, isa pang tanong tungkol sa serbisyong naibigay sa atin ni De Lima ay kung gaano kaepektibo ang mga sinagawa niyang raids at bisita sa Bilibid.
Sagot? Nga-nga!
Kung anong inabutan ni Leila, yun pa din ang iniwan niya. Tuloy pa rin ang sarap buhay ng mga “can afford” sa loob. Talamak pa rin ang pagpasok ng droga at kung ano pang kontrabando.
Kung di napabago ni De Lima ang Bilibid habang nasa pwesto pa siya at may kapangyarihan, ano sa tingin mo ang mahihita nating mga pinoy pag senador na siya?
So, iboboto mo pa?
Eto pa ang mga karagdagang storya tungkol sa inkompetensya ni Leila.