Bukod sa DZMM, isa pang online portal ng ABS-CBN ang na-hack ng Blood Security Internation, ang Star Magic site.
Sa Facebook post ng hackers, pinakita nila sa isang picture ang listahan at personal details ng mga applicante mula sa database ng Star Magic.
Hinihiling ng hacktivista na maging fair ang tv station at mag-focus sa totoong isyus sa bansa:
Imbis na mag focus kay duterte mga bias na media, bat ayaw nyo ibalita ang mas mahalaga pa kesa dyan? Makakatulong ba yan sa ekonomiya? Mabibigyan naba ng katarungan ang mga magsasaka? Bat ayaw nyo ibalita ang mga mas mahahalagang bagay katulad dun sa mga nangyari sa mga magsasaka?! Sigalot sa West Philippine Sea?! At iba pang mas mahalaga at may mas kabuluhan? Isa kayo sa mga nag mamanipula ng utak ng mga tao, imbis na imulat mata nila sa mga nangyayari sa paligid, isa kayo sa dahilan kung bakit ang kabataan ay panay landi, isa kayo sa mga dahilan kung bakit nagtatanong ang kabataan kung bakit nakaupo lang palagi si Apolinario Mabini sa palabas na heneral luna!? Why not focus sa mga mas importante at makakatulong sa pagunlad ng bayan at ating sarili? Kaya tama na sa pagmamanipula. Gising PINAS oras na para gumising tayo sa katotohanan! ~Apekz
#DZMM #ABSCBN #aBIAScbn #hacking #falsepropaganda #newspapers #radiostation #tvstation